Tumakbo
Tumakbo
Para makamit ang reflective na demokrasya, mas maraming kababaihan ang kailangang tumakbo para sa posisyon. Pero ang dalahin na pagbabago ay hindi dapat umasa sa mga indibiduwal na kababaihan.
Para masiguro na mas maraming kababaihan ang tatakbo para sa posisyon, ang mga partidong pulitikal, mga PAC, at ang mga donor ay kailangang mas may intensiyon tungkol sa pag-recruit, pagsasanay, at pagpopondo sa mga kababaihang kandidato. Ang mga boluntaryong target na ito ay gumagaya sa mga quota na ginagamit sa mahigit 100 bansa para maisulong ang paghalal sa mga kababaihang kandidato.
Mga Pulitikal na Partido
Ang mga U.S. na pulitikal na partido at mga organisasyong nagre-recruit ng kandidato ay dapat manindigan sa mga target sa pag-recruit para sa kababaihan at baguhin ang kanilang tradisyunal na istratehiya sa outreach para matugunan ang mga alalahaning mayroon ang kababaihan tungkol sa pagtakbo sa posisyon. Sa partikular, dpat pag-isipan ng mga partidong pulitikal ang pagpapatupad ng mga gender inclusive na quota para sa mga down-ballot race para masiguro na kapwa ang kababaihan at mga non-binary na tao ay ma-recruit para tumakbo sa mas mataas na rate—isang hakbang na ginawa na ng Demokratikong Partido para sa mga delegasyon ng estado sa pambansang convention na isinasagawa tuwing apat na taon.
Mga PAC at Mga Indibiduwal na Donor
Ang mga PAC at mga indibiduwal na donor ay dapat maktakda ng mga target sa pagpopondo para sa cis-women, transgender folk, at nonbinary na kandidato at dagdagan ang mga target na iyon tuwing siklo ng eleksiyon hanggang ang mga nahalal nating katawan ay sumalamin sa pagkakaiba ng kasarian ng populasyon. Sa pamimilit ng publiko, ang patas na pagpopondo sa lalaki, babae, at genderqueer na kandidato ay maaaring maging value proposition para sa mga PAC. Ang kapaligiran ng PAC ay napakakumpetitibo at lagi silang naghahanap ng mga bagong paraan para mapansin mula sa ipang mga PAC nang maakit ang mga donor.
Kahit na marami ang record-breaking na taon para sa kababaihang kandidato sa U.S., ang mga PAC at mga donor ay patuloy na gagasta sa karamihan ng mga pondo sa mga lalaking kandidato.
infogram_0_173f04da-3755-4f86-8797-3bdfc600eebe[TAGALOG] 2020 PAC Donations Dons des comités d’action politiquehttps://e.infogram.com/js/dist/embed.js?lPwtext/javascript