Sinusubaybayan ng RepresentWomen ang pangangatawan ng kababaihan at pamumuno sa Estados Unidos at sa buong mundo para matukoy ang "mga pinakamahusay na kagawian" sa paglikha ng mas kinatawang pamahalaan. Tinutukiy ng pananaliksik namin na kahit na mas maraming babae ang tumakbo, ang mga patakaran at sistema ng halalan ay naglalaro ng pangunahing tungkulin sa pagdetermina ng kalalabasan sa halalan. Tulad ng nakita sa ating 2016 at 2020 na mga ulat, nakikita namin na ang mga kalalabasan sa halalan para sa kababihan at mga taong may kulay sa kabuuan ay mas mainam sa mga hurisdiksiyon na nagpatupad ng niranggong pagpiling pagboto (RCV).
infogram_0_9a8547a2-984b-4ad5-93e4-55bda201c44a[TAGALOG] RCV Mayors - Gender and Racehttps://e.infogram.com/js/dist/embed.js?PxJtext/javascript
Sa kasalukuyan, 21 hurisdiksiyon sa buong U.S. ay gumagamit ng nakaranggong pagpiling pagboto, anim na estado ang gumagamit nito para sa ibayong-dagat at militar na botante, at karagdagang pitong lokalidad at ang Alaska ay bumotong ipatupad ang RCV.
infogram_0_0e073c58-1990-43e8-92f9-8059820edce8[TAGALOG] RCV in USAhttps://e.infogram.com/js/dist/embed.js?tfQtext/javascript
Paano Natutulungan ng RCV ang Kababihan: Ang nakaranggong pagpili ay nagmimitiga sa ilang hadlang sa pangangatawan na umiiral sa mga single-winner na plurality na sistema. Sa partikular:
- Inaalis ng nakaranggong pagboto ang paghahati at mga panira. Sa nakaranggong pagpiling halalan, maraming babae ang makakatakbo nang hindi kailangang mag-alala tungkol sa paghati ng boto. Sa nakaranggong pagpiling halalan, may mas kaunting insentibo para sa mga gatekeeper, o namumuno sa partido, para hindi mahikayat ang kababaihan at mga taong may kulay na tumakbo, at mas kaunting dahilan sa mga magiging kandidato na hindi tumakbo una pa lang.
- Ang nakaranggong pagpiling pagboto ay nagbibigay ng isnentibo sa positibong pagkampanya. Ang mga halalan ng RCV ay mas sibil dahil ang mga kandidato ay may insentibong makahanap ng parehong batayan sa bawat isa habang naghahanap sila ng suporta mula sa mga taga-suporta ng mga kakumpitensiya nila. Ang nakaranggong pagpiling pagboto ay humihikayat sa pagbo ng koalisyon at pagkampanya sa grassroots na komunidad, parehong tumutuon sa mga positibo at pagkakatulad sa pagitan ng mga kandidato. Ang anecdotal na katibayan ay nagmumungkahi na ang kababaihan ay mas malamang na tumakbo sa positibong kapaligiran ng kampanya at mas kumportable na tanungin ang mga botanteng iranggo sila bilang pangalawa o pangatlong napili.
- Ang nakaranggong pagpiling pagboto ay naggagantimpala sa nakatuon sa isyu na mga kampanya. Sa halip na maglaan ng oras at pera sa mga ad na umaatake, ang mga kandidatong sa nakaranggong pagpiling pagboto na mga halalan ay makakatuon sa pamumuno sa mas makabuluhan, nakatuon sa isyu na mga kampanya. Ang mga nasabing kampanya ay nagbubukas ng oras sa mga sibil na debate patungkol sa mga isyu ng patakaran at partikular sa constituency, tinutulungan ang mga botanteng makakuha ng mas mabuting ideya ng kung sino ang gusto nilang iboto at magbigay ng mas mabuting plataporma sa mga babaeng kandidato.
- Ang mga nakaranggong pagpiling halalan ay mas abot-kaya. Inaalis ng mga halalang RCV ang pangangailangan na bumalik ang mga botante sa voting booth para sa runoff na halalan. Dahil pinagsasama nito ang panahon ng halalan, ang mga lungsod at kandidato ay nakakatipid ng pera. Ang mga nakaranggong pagpiling halalan ay nagpapababa din sa halaga ng pagtakbo ng mga kandidato; maaari itong partikular na mahalaga sa mga babaeng kandidato na tumatakbo sa mga lokal na lebel na posisyon sa unang pagkakataon.
- Ang mga nakaranggong pagpiling halalan ay sumisiguro sa mga kalalabasan ng pangangatawan. Sa kabuuan, ang nakaranggong pagpiling pagboto ay sumisiguro na ang mga kandidato sa single-winner na mga halalan ay mananalo sa tunay na mayorya, sa halip na karamihan ng boto. Ang mga nahalal na opisyal -- lalo na ang mga tinuturing na "hindi tradisyonal" na namumuno -- ay mas mabuting namamahala kapag may mandato silang mamuno.