Skip navigation

Aming Mga Solusyon

Aming Mga Solusyon 

Malinaw ang solusyon: Dapat nating isulong ang mga institusyonal na reporma para makamit ang parity sa tagal ng buhay natin. Panahon na upang lumayo mula sa mga panandaliang istratehiya na nakatuon lamang sa paghahanda ng mga indibidwal na kababaihan na tumakbo para sa posisyon, at patungo sa komplementaryong mga pangmatagalang istratehiya na natanggal ang hindi patas na mga hadlang ng sistemang iyon. Ang Estados Unidos ay may isang mayamang kasaysayan ng pagmimitiga sa hindi patas na mga kalamangan sa pamamagitan ng mga repormang pang-institusyon. Ang Suffrage, Title IX, ang Voting Rights Act, at ang Americans with Disabilities Act ay lahat mga halimbawa ng matagumpay na pagsulong sa karapatang sibil na nagbago sa mga institusyon - hindi mga indibiduwal na marginalized ng mga institusyong iyon.



Tumakbo

Para makamit ang reflective na demokrasya, mas maraming kababaihan ang kailangang tumakbo para sa posisyon. Pero ang dalahin na pagbabago ay hindi dapat umasa sa mga indibiduwal na kababaihan.  

Para masiguro na mas maraming kababaihan ang tatakbo para sa posisyon, ang mga partidong pulitikal, mga PAC, at ang mga donor ay kailangang mas may intensiyon tungkol sa pag-recruit, pagsasanay, at pagpopondo sa mga kababaihang kandidato. Ang mga boluntaryong target na ito ay gumagaya sa mga quota na ginagamit sa mahigit 100 bansa para maisulong ang paghalal sa mga kababaihang kandidato.

Mga Pulitikal  na Partido

Ang mga U.S. na pulitikal na partido at mga organisasyong nagre-recruit ng kandidato ay dapat manindigan sa mga target sa pag-recruit para sa kababaihan at baguhin ang kanilang tradisyunal na istratehiya sa outreach para matugunan ang mga alalahaning mayroon ang kababaihan tungkol sa pagtakbo sa posisyon. Sa partikular, dpat pag-isipan ng mga partidong pulitikal ang pagpapatupad ng mga gender inclusive na quota para sa mga down-ballot race para masiguro na kapwa ang kababaihan at mga non-binary na tao ay ma-recruit para tumakbo sa mas mataas na rate—isang hakbang na ginawa na ng Demokratikong Partido para sa mga delegasyon ng estado sa pambansang convention na isinasagawa tuwing apat na taon. 

Mga PAC at Mga Indibiduwal na Donor

Ang mga PAC at mga indibiduwal na donor ay dapat maktakda ng mga target sa pagpopondo para sa cis-women, transgender folk, at nonbinary na kandidato at dagdagan ang mga target na iyon tuwing siklo ng eleksiyon hanggang ang mga nahalal nating katawan ay sumalamin sa pagkakaiba ng kasarian ng populasyon. Sa pamimilit ng publiko, ang patas na pagpopondo sa lalaki, babae, at genderqueer na kandidato ay maaaring maging value proposition para sa mga PAC. Ang kapaligiran ng PAC ay napakakumpetitibo at lagi silang naghahanap ng mga bagong paraan para mapansin mula sa ipang mga PAC nang maakit ang mga donor.

Kahit na marami ang record-breaking na taon para sa kababaihang kandidato sa U.S., ang mga PAC at mga donor ay patuloy na gagasta sa karamihan ng mga pondo sa mga lalaking kandidato. 

infogram_0_173f04da-3755-4f86-8797-3bdfc600eebe[TAGALOG] 2020 PAC Donations Dons des comités d’action politiquehttps://e.infogram.com/js/dist/embed.js?lPwtext/javascript

Manalo

Ang mga umiiral na pagsusumikap na mag-recruit, mag-train, at pondohan ang mga babaeng kandidato ay magiging mas mabisa kung ang ating sistemang elektoral ay wala sa sistemang disbentahe sa kababaihan.

Ang Kasalukuyan Nating Sistema ng Halalan

 Karamihan ng U.S. ay gumagamit ng iisang panalo, winner-take-all na mga halalan. Nangangahulugan ito na ang lahat sa komunidad ay bumoboto para sa kanilang kandidato. Ang kandidatong may pinakamaraming boto ay mananalo sa halalan at kumakatawan sa buong komunidad, kahit na nabigo silang manalo ng mayorya (50%+1) ng mga boto.

Pinapakita ng pananaliksik nami noong (2016, 2020) na ang ganitong klase ng halalan ay disbentahe sa kababaihan - lalo na ang kababaihang may kulay. Maraming henerasyon ng kababaihan ay kakailanganin para maabot ang pagiging patas sa makalumang sistemang ito.

Narito na kung paano ang mga winner-take-all na halalan ay hindi patas na masama sa mga kababaihang kandidato.

infogram_0_ca728a86-a8fe-456a-bc40-ff918e263a98[TAGALOG] Winner-take-all Systemhttps://e.infogram.com/js/dist/embed.js?YVNtext/javascript

Ang Sistema ng Halalan na Kailangan natin

Ang alternatibo ay patas na pangangatawan ng pagboto, na pinagsasama ang

Nakaranggong pagboto sa pagpili - niraranggo ng mga botante ang mga kandidato sa pagkakasunod-sunod ng kagustuhan.

Mga distritong maramihan ang panalo - mga distritong kinatawan ng mahigit sa isang tao. 

Ang patas na pangangatawang pagboto ay paraan ng mahabang kasaysayan ng paggamit sa Estados Unidos, sa kasalukuyan maraming hurisdiksiyon ang nagpatupad ng sistema ng patas na pangangatawan para lokal na paggamit. 

infogram_0_3fe69ce3-2bb4-4af3-930f-6020cf3b8618[TAGALOG] Fair Representation Votinghttps://e.infogram.com/js/dist/embed.js?PWmtext/javascript

Ang Fair Representation Act

Ang Fair Representation Act ay nagsasama ng nakaranggong pagpiling pagboto sa mga distriting marami ang nananalo para mahalal ang lahat ng mga miyembro ng Congress at nagpapatupad ng independiyenteng redistricting na komisyon. Ang mga pinagsamang repormang ito ay may kapagyarihang baguhin ang pangangatawan ng kababaihan sa nasyonal na lebel at maaaring ipatupad din sa lebel ng estado at lokal. 





Manilbihan

Pang mabisang manilbihan ang kababaihan kapag nahalal sa posisyon, hindi sapat ang balanseng pangangatawan ng kasarian lang. Dapat mag-evolve ang kultura at kagawian sa lugar ng trabaho nang higit sa 'old boys clubs' na patuloy na nagdodomina sa maraming larangan habang ang mga nahalal nating opisyal na nagiging mas magkakaiba pagdating sa kasarian, lahi, ideyolohiya at edad. 

Nasa ibaba ang mga mungkahi kung paano mawawasak ang mga hadlang na pumipigil sa kababaihang manilbihan nang ligtas at mabisa.

Mga Pagbabago sa Lehislatibong Patakaran

infogram_0_3908bc53-dc55-4d58-bcdb-6dbb6e0000a4[TAGALOG] Women Serve - Legislative Proposalshttps://e.infogram.com/js/dist/embed.js?j5stext/javascript

Mga Caucus ng Kababaihan

Tinatayang 20 estado ang may alinman sa partisan o bipartisan na caucus na nagtataguyod sa lehislasyon na magpapabuti sa katayuan ng kababaihan sa estado nila. Naninilbihan din itong mahalagang channel ng networking para sa mga babaeng mambabatas at behikulo sa reporma na ginagawa ang mga katawan ng manbabatas na mas mabuti sa kababaihan at kinatawan. 

infogram_0_00d1902e-721a-4c95-9177-b6fa752a5023[TAGALOG] States with Women Caucuses/ Commissionhttps://e.infogram.com/js/dist/embed.js?J81text/javascript

Lead

Kahit na makalipas mapanalunan ang nahalal na posisyon, ang kababaihan ay patuloy na humaharap sa mas maraming hadlang kaysa sa mga lalaki nilang kasamahan pagdating sa mabisang paninilbihan at pagtaas ng ranggo papunta sa mga posisyon ng pamumuno. Dapat magsagawa ng mga pinagtutulungang pagsusumikap ang mga nahalal na opisyal at mga may kapangyarihan sa pag-hire para masiguro na ang mga boses ng kababaihan ay kasama sa mga pinakamataas na lebel. 

Mga Balanseng Kasariang Pagtatalaga/Mga Pamalit na Mandato

Ang mga nahalal na opisyal ay may napakalaking kapangyarihan para madagdagan ang kaibahan ng kasarian at lahi sa mga posisyon ng pamumuno sa pamamagitan ng mga balanseng kasariang pagtatalaga at mga pamalit na mandato. Ang paninindigan sa magkakaibang pagtatalaga sa mga ehekutibong gabinete, mga komisyon ay bakante ay ang pinakamabilis na paraan para madagdagan ang pagkakaiba ng mga namumuno sa pagpapasya. 

Ang mga presidensiyal at gubernadoryal na kandidato ay dapat manindigan sa pagpapangalan sa balanseng kasarian at magkakaibang ehekutibong gabinete. Labing-limang bansa, kasama ang Estados Unidos ang nagnomina ng mga gabineteng balanse ang kasarian; marami sa pinagsamang pagsusumikap para maisama ang mga boses ng kababaihan sa lebel ng pamumuno. 

Habang ang mga bakante sa nahalal at naitalagang posisyon ay nagaganap, ang mga opisyal ay dapat manindigan sa at ipatupad ang mandato ng pamalit, isasaalang-alang ang pagkakaiba ng kasarian kapag nagtatalaga para punan ang mga bakanteng posisyon. 

Ang Rankin-Chisholm Rule

Nagtatrabaho ang RepresentWomen kasama ng pangkat para maisulong ang Rankin-Chisholm Rule. Kasama sa pangunahing posisyon sa kawaning congressional, ang kababaihan at taong may kulay ay patuloy na kulang ang pangangatawan. Ang Rankin-Chisholm Rule ay isang inisyatibo ng patakaran na dinesenyo para itama ang sistematikong problemang ito at madagdagan ang pagkakaiba sa lahi at kasarian sa mga lehislatibong tanggapan, partikular sa mga tungkulin ng pamumuno. 

Sinasaad ng Rankin-Chisholm Rule: “Ang nagpapasya sa pangunahing posisyon ng kawani sa mga personal na tanggapan, sa mga komite, at sa mga tanggapan ng pamumuno ng caucus ay dapat magsagawa ng personal na panayam sa slate ng mga kandidato mula sa magkakaibang pananaw at background sa batayan ng kasarian, lahi at ibang salik, kasama ang maraming kababaihan sa taong may kulay.”





Showing 1 reaction